‘Gabby’s Dollhouse: The Movie’ ready na sa big screen adventure, swak sa mga bata

PHOTO: Courtesy of Universal Pictures
MAY nakaabang na adventure para sa mga tsikiting, pati na rin sa mga kids at heart!
Ginawan na kasi ng pelikula ang hit na hit na animated series na “Gabby’s Dollhouse.”
Ang movie adaptation ay may titulong “Gabby’s Dollhouse: The Movie” na mapapanood sa mga lokal na sinehan sa darating na September 24!
Sa kauna-unahang cinematic adventure ng ating paboritong cat-tastic squad, si Gabby na muling ginampanan ni Laila Lockhart Kraner ay sasabak sa isang road trip kasama ang kanyang lola na si Grandma Gigi na pinagbibidahan ng Grammy-winning music legend na si Gloria Estefan.
Baka Bet Mo: LIST: Mga pelikula sa Mayo na may sari-saring kwento at aksyon
Ang kanilang destinasyon? Ang makulay at kakaibang lungsod ng Cat Francisco!
Pero hindi magiging madali ang lahat dahil nawawala ang pinakamamahal na dollhouse ni Gabby.
At ang masaklap? Nasa kamay na ito ng isang eccentric na cat lady na si Vera (played by Kristen Wiig, isang Academy Award nominee).
Dahil dito, kailangan ni Gabby buuin muli ang kanyang cat friends, kabilang na sina Pandy Paws, Cakey, at DJ Catnip.
Kasunod niyan ay sabay-sabay silang sumabak sa real-world adventure para iligtas ang dollhouse bago ito tuluyang mawala.
Ang “Gabby’s Dollhouse” ay mula sa creative minds nina Traci Paige Johnson at Jennifer Twomey.
Ito ay unang napanood sa Netflix noong 2021 at simula noon ay naging parte na ng buhay ng maraming bata sa buong mundo.
Kilala ang serye sa kakaibang kombinasyon ng live-action at animation, punong-puno ng cute na cat characters, fun crafts, at magical mini-worlds sa loob ng mahiwagang dollhouse.
Bukod sa original cast ng Gabby Cats, kasama sa voice cast ang mga paboritong comedians mula sa “Saturday Night Live” na sina Ego Nwodim, Kyle Mooney, at Melissa Villaseñor, plus sina Thomas Lennon, Jason Mantzoukas, at Fortune Feimster.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.